Una sa Balita

3 bagong kampeon sa World Slasher Cup 1

0 1,057

TATLONG bagong kampeon ang ­nakilala sa katatapos na World Slasher Cup 1 2020 nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Mahigit 200 ang sumali sa prestihiyosong 9-cock derby, umiskor ng walong puntos sina Edwin Tose at Daday Siochi (419 DS Solid North GF), Carlos Gayoso at Arnold Mendoza (Matandang Gasan 1) at May May (Batang San Juan) upang magkampeon sa pinakaaabangang ­cockfighting derby na handog sa yumaong si ­American breeder si Ray Alexander.

Unang titulo ng tatlo, ipinakita na kaya nilang talunin ang mga bigating breeder sa Pilipinas tulad nina WSC champion Patrick Antonio, Frank Berin at Escolin Brothers pati ang sikat din na ‘FireBird’ ni Biboy Enriquez.

Nasa likuran ng tatlong kampeon ang nakaraang hari ng World Slasher Cup na sina Berin, Aurelio Yee, Magno Lim, Gerry Escalona, Boyet Legaspi, Boy Montano, Cesar Mercado, Icha Perez, Ronald Del Rosario at Romeng Edanio na may pitong puntos.

Kasama sa binigyan ng karangalan si Rayandra Alexander Seville, ang anak ng pumanaw na sikat na breeder at World Slasher Cup pioneer Alexander.

Ang kakatapos lamang na derby ay isang tribute sa lahat ng nagawa ni Alexander para sa komunidad ng mga sabungero.

Maaring abangan ng mga ­manlalaro at tagahanga ng sabong ang susunod na World Slasher Cup 2 na magaganap sa May 25, 2020 sa Smart Araneta Coliseum. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More