Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 babaeng tulak bagsak sa buy bust

0 118

Mahigit sa P88K halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong kababaihan at isang lalaki sa buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Sabado ng madaling araw.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang ikinaso sa naarestong suspek na sina Jhonnete Manganti, 24; Bernadine Martinez, 29; Lorna Jakuya, 42 at Rene Angue, 39, pawang taga-Brgy. Talaba, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Christian Nel Cuevas, ng Bacoor City Police Station, alas-4:35 kahapon ng madaling-araw nang isagawa ang operasyon ng PDEA Cavite at Bacoor CPS sa Brgy Talaba 2.

Hindi inakala ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon na ikinaaresto nila at narekober sa kanila ang 13 gramo ng shabu na may street value na P88,400 na nakalagay sa pink coin purse. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.