Una sa Balita

3 araw nilagnat: Pagkamatay ni Menggie Cobarrubias ikinagulat, pinagluksa ng showbiz

0 1,011

Wednesday night ay nag-post ang mahusay na character actor na si Menggie Cobarrubias ng “GOOD BYE”. Dahil mabiro rin siyang tao kaya dedma lang kami sa post niya.

Kinabukasan ay nag-post na ang pinsan niyang si Bon Meneses na taga- Canlubang na patay na si Menggie. Laking gulat ko at sobrang shocked talaga ang naramdaman ko nang mabasa ‘yon.

May mga nagsasabi na coronavirus ang sanhi ng pagkamatay ni Menggie. Pero, habang sinusulat ko ito ay hindi pa inilalabas ang resulta ng kanyang pagpapa-test ng COVID-19. Pero naikuwento niya kay FDCP Chair Liza Dino na tatlong araw siyang nagka-fever.

Sa pangyayaring ito kay Menggie ay napatunayan namin sa aming sarili na hindi biro ang virus na ito na laganap sa buong mundo. Parang ayaw mo na talagang lumabas ng bahay at anytime puwede kang dapuan ng virus na ito.

Maraming sumasagi sa aming isipan at nagpapaalala sa amin ng mga nakasulat sa Bible. Hindi kaya pinipitik na tayo ng Amang lumikha para maalala natin ang Panginoon.

Or masyado na talagang maraming tao sa mundo na kailangan bawasan and to top it all, ito na kaya ang katapusan ng mundo? Kaya dapat maging handa tayong humarap sa Panginoon anytime.

Si Menggie ay kababata namin sa Canlubang, Laguna kung saan ipinanganak at lumaki rin ako. Kaya noon pa man ay kilala namin ang aktor na ito mula sa isang disenteng pamilya.

Our deepest condolences sa mga naiwan ni Menggie at sa Meneses family.

Jeric Gonzales naadik sa ‘CLOY’

Dahil na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan laban sa paglaganap ng COVID-19, kanya-kanyang paraan ng paglilibang ngayon ang buong sambayanan maging ang mga celebrity.

Sa kanyang Instagram post, muling binalikan at ipinasilip ni Jeric Gonzales ang kanyang first love na walang iba kung hindi ang pagtugtog ng keyboard. Tinugtog niya ang “Song for Brother” ng hit K-drama series na Crash Landing on You (CLOY).

“Jam-jam muna tayo. Let’s stay at home and be safe. Kaya natin ‘to,” ani ni Jeric.

Isa lamang si Jeric sa mga star na na-hook ngayon sa nasabing Korean drama lalo pa at inaabisuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More