Una sa Balita

3-anyos patay sa motorcycle crash

By
0 1

Patay ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki makaraang ang kinaangkasan nitong motorsiklo ay maaksidente sa Brgy. Madulao, Catanauan, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kritikal din ang kondisyon ng nagmamaneho ng motorsiklo na si Jesus Perlas Padolina, 41-an­yos.

Batay sa report ng Catanauan police, bandang alas-dos ng hapon, tinatahak ng motorsiklo ang kahabaan ng Bondoc Peninsula Highway subalit ng pagsapit nito sa kurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol sa manibela si Padolina.

Bumangga ito sa mga bakal na railing at saka natumba.

Nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo si Padolina at ang batang si T-Jay Padolina Timbag na ikinasawi nito.

Sugatan din ang isa pang pasahero na si Consolacion Perlas Padolina, 60- anyos, barangay health worker.