Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3-anyos ni-rape ng kapitbahay

0 51

GALIT ang nararamdaman ng isang 23-anyos na ina nang madiskubreng pinagsamantalahan ng kanilang kapitbahay na lalaki ang 3-anyos niyang anak sa Dagupan City, Pangasinan, noong Lunes.

Sa ulat, sinabi ng Dagupan City Police Station (DCPS), ayon na rin sa ina ng biktima na nitong Lunes ay napansin nila ang likido sa underwear ng anak kasunod ng pag-iiyak ng paslit.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa DCPS, bago ang insidente, naglalaro daw ang batang biktima

kasama ang isa pang bata na anak umano ng 40-anyos na suspek nang tawagin umano nito ang paslit, dinala sa bahay nito at doo’y ginahasa ng suspek.

Sa isinagawang medico-legal, lumabas na positibong ni-rape ang biktima.

“Walanghiya siya kasi pati bata na walang kamuwang-muwang pinapatulan niya” hinanakit ng ina.

Sa ngayon ay pinaghahanap ang nagtagong suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.