Una sa Balita

3-anyos nabawi ng tatay

Bebot na kidnapper huli sa akto

By
0 486

KALABOSO ang isang babaeng kidnapper nang tangkain nitong tanga­yin ang isang 3-anyos na batang la­laki, kamakalawa nang gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Naaresto ang suspek na si Charito Fernandez y Puyawan, 45 na taga Brgy. Bonifacio, San Carlos City, ng mga tauhan ng Dagonoy Police Community Precinct (PCP) na kaagad nakaresponde matapos na humingi ng tulong ang isang barangay kagawad.

Ayon kay Alicozaman Capal y Tago, 52, negos­yante, ng 402 Dagonoy St., SAB, Maynila at ama ng paslit na si Ayman-Ismael, 3, narinig niya ang boses ng anak na umiiyak at nang tingnan sa bintana nakita niya na kinakaladkad ng isang babae sa kalsada ang bata.

Lumabas ng bahay si Capal at kaagad na hinabol ang suspek kaya nabawi ang bata habang kaagad na humingi ng tulong sa pulisya si Barangay Kagawad Asgar Datumanong.

Naganap umano ang insidente dakong alas-7:30 nang gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Nabatid kay PSInsp. Dave Garcia, comman­der ng Dagonoy PCP, ang suspek ay ang babae na una nang nag-viral sa social media noong Marso 2018 na nangidnap ng mga paslit kasabwat ang mga babaeng nakasakay sa van.

Patuloy namang iniimbestigahan ang suspek para makilala ang iba pa niyang kasabwat sa pagdukot sa mga bata.

Sasampahan ng kasong kidnapping sa Manila Prosecutors Office ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy