Una sa Balita

3-anyos ginahasa ng construction worker

By
0 384

KUNG may parusang death penalty sa bansa, tiyak na nakalinya ang isang construction worker na humalay sa 3-anyos na batang babae sa Valenzue­la City, kamakalawa nang hapon.

Hindi tao kundi isang demonyo ang tingin ng mga kaanak ng biktima sa suspek na si Alex Aguilar, 49, binata, ng Capalad St., Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod.

Sa kabila daw kasi ng kabutihang ipinakita nila kay Aguilar na itinuring na kapamilya, ginawan pa rin nito ng kahayupan ang bata.

Kung minsan ay doon na kumakain at nakikutulog ang suspek.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-dos nang hapon galing sa labas ang mag-ina at dumeretso sa kanilang kuwarto sa 2nd floor ng bahay para magpahinga.

Ilang sandali ang lumipas nagising ang ginang pero wala na sa kanyang tabi ang anak.

Tinanong daw ng nanay ng bata ang katulong kung napansin nito ang anak na nagsabi naman ang huli na naroon sa kuwarto ni Aguilar at natutulog.

Dali-daling pinuntahan ng ina ng bata at nakita nito na magkatabi ang anak at ang suspek na nakatalukbong pa ng kumot.

Nang hablutin ng nanay ang kumot, hubo’t hubad ang suspek at ang anak naman niya ay wala ng suot pang-ibaba na natutulog.

Nagsuot ng pantalon si Garcia at tumakbo palabas ng bahay kungsaan napansin ng nanay ng bata na may mga buhok sa kaselanan ng anak at bahid ng dugo, kaya nagtungo ito sa Police Community Precinct (PCP) 5 para arestuhin ang suspek pero wala na ito sa kanilang bahay.

May nakapagsabing nakita daw sa Parancillio Villa, Valenzuela City si Garcia, kaya naman pinuntahan ito ng mga pulis hanggang sa maaresto.

Nahaharap sa kasong statutory rape si Aguilar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy