Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 Abu Sayyaf nalambat sa Metro Manila

0 396

Nahuli ng National Bureau of Investigation Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) sa pakikipagtulungan sa pulisya at militar, ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa serye ng operasyon.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor nag-ugat ang matagumpay na operasyon sa intelligence report ng NBI-CTD na nakita sa Metro Manila ang mga hinihinalang miyembro ng ASG, na sangkot sa pag-kidnap sa 6 na miyembro ng Christian religious sect sa Patikul, Sulu noong Agosto 20, 2002.

Kabilang umano ang tatlong nahuli sa arrest order na nilabas ng Regional Trial Court Branch 271 sa Taguig City para sa kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom.

Noong Hulyo 17, naaresto ng grupo ang isa sa mga suspek na nakilalang si Saudi Ausad alyas ‘Erie’ at ‘Ben Saudi’ sa Sultan Kudarat Street, Maharlika, Taguig City at dinala sa NBI Detention Facility. Sinundan ito sa pagkaaresto naman kay Ajvier Kuhutan, sa Craig St., Sampaloc Manila noong Hulyo 20.

Mismong isa sa mga naging bihag ang kumilala kay Ajvier bilang isa sa ASG na dumukot at nagbantay sa kanila.

Sa sumunod na araw, nagtungo sa NBI-CTD ang kamag-anak ni Ajvier para kumpirmahin ang kanyang pagkaaresto at kunin ang kanyang mga personal na gamit. Kasama sa mga ito ang nakatatandang kapatid na ni Ajvier na si Adzmi Kuhutan alyas ‘Osein’ o ‘Abduraya’ na positibong tinukoy ng witness na naging bihag ng mga ito, kaya dinakip din ito ng awtoridad.

Nang kumpirmahin, kapatid ng ani Ajvier si Adzmi at kabilang rin sa mga nasa arrest order.

Leave A Reply

Your email address will not be published.