Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3.6M Pinoy may mental problem – WHO

0 241

Nakatutok ang Department of Health (DOH) para matugunan ang problema ng bansa sa mental health care kasabay ng pagdiriwang ng World Mental Health Day.

Kasunod ito ng report ng Philippine World Health Organization (WHO) Special Initiative for Mental Health na sa unang bahagi ng 2020 ay umabot sa 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng mental, neurological at substance use disorder.

Sinabi din ng DOH na malubhang tinamaan ang mental health ng mga Pinoy dahil sa COVID-19 pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“There is less than one mental health worker for every 100,000 Filipinos, and many are currently unable to gain access to services,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kung saan pinunto din nito na seryosong isyu ang mental health na hindi dapat mapabayaan.

Sinabi rin ng kalihim na bagama’t makatutulong ang Mental Health Act at Universal Health Care Law para magkaroon ng maayos na mental health service sa bansa, kailangan pa rin ng dagdag na tulong para masigurong lahat ng pangangailangan ay matutugunan ng may mga mental health problem.

“Mental health is a human right, it’s time that mental health be made available for all. Quality, accessible primary health care is the foundation for universal health coverage and is urgently required as the world grapples with the current health emergency,” pakli pa ni Duque. “We need to make mental health a reality for all – for everyone, everywhere.”(RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.