Una sa Balita

3.5M textbook sa warehouse, buffer stock kapag may kalamidad -Briones

0 157

NILINAW kahapon ni Department of Education Secretary Leonor Briones na buffer stock at hindi ‘unused’ ang mahigit tatlong milyong librong una nang napaulat na nakatambak lang sa sa kanilang warehouse.

Sa pagdinig kahapan ng Senate committee on basic education, arts and culture, sinabi ni Briones na ang nasabing buffer stock ng mga libro ay gagamitin sa panahon na nagkakaroon ng kalamidad.

“This represents 3.5 million copies of textbooks which constituted to buffer stock,” paliwanag ni Briones sa pagdinig.

Gagamitin din umano ang buffer stock ng mga libro bilang pamalit sa mga nasira o nawalang mga aklat.

Mahigit sa P80 milyong halaga ng mga aklat ang naipamahagi sa buong bansa ngayong taong ito.

Naunang nang kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang Department of Education (DepED) kaugnay ng P113 milyong halaga ng libro at iba pang learning material na nakatambak lang umano sa kanilang warehouse.

Nilinaw naman ni Briones na obsebasyon lang naman iyon ng COA at kailangang magpaliwanag sa ahensiya bagay na nagawa na umano nila.

Wala din naman umanong sinabi ang COA na nagkaroon ng korapsiyon na may kinalamaan sa pagbili ng mga libro.

(Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy