Una sa Balita

3-4 slots na lang ang pag-aagawang pwesto sa Senado — Ping

0 354

Naniniwala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mananalo sa nalalapit na May 13 midterm election ang nasa Top 8 hanggang Top 9 senatorial candidates na madalas nangunguna sa mga survey.

Sina Reelectionist­ Senators Grace Poe, Cynthia Villar at Sonny Angara at Taguig Rep. Pia Cayetano ang binansagang ‘most preferred senatorial candidates of voters’ base na rin sa resulta ng mga nagdaang survey.

Ayon kay Lacson, nasa tatlo hanggang apat na puwesto na lamang ang natitirang available para paglaba­nan ng bawat kandidato.

“Counting with my fingers, practically only 3-4 senatorial slots are up for grabs, 8-9 are most probably taken,” ayon sa tweet ni Senador Ping.

“Good thing for those who are chasing miracles, there were surprises in past elections,” sabi pa nito. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy