Una sa Balita

3.3M ‘Pinoy epektado ng depresyon

0 320

Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na mga kaso ng depresyon sa Southeast Asia, na nakakaapekto sa mahigit tatlong milyong mga Pilipino, ayon sa isang kinatawan sa Kamara.
Ito ang nilalaman ng privilege speech ni San Jose Del Monte, ­Bulacan Rep. Rida Robes noong Martes at ikinalungkot­ nito ang pagtaas ng ­bilang ng mga nagpapakamatay na kabataan sa bansa.
Naaalarma ang mambabatas na ang depresyon o pagkalumbay ay nagiging laganap na parang pangkaraniwang sipon sa bansa, na nakakaapekto sa 3.3 milyong mga Pilipino.
“It is recognized by our own ­Department of Health (DOH) as a serious health condition, and the weight of haplessness, ­hopelessness and helplessness—the three dreaded ‘H’ symptoms of depression—gravitate ­towards what now are the new high-risk group: the young population,” ayon sa kongresista.
Binanggit ni Robes ang isang ulat ng 2017 World Health Organization, na aniya’y walo sa kada 100,000 Pilipino ang nagpapakamatay. Sa bilang na ito, anim ng mga lalaki; habang ang dalawa ay mga babae na nasa edad 15 hanggang 29 taong­ gulang.
Ang parehong ulat ay nagpakita ng isang average na 3,000 katao sa buong mundo ang kumikitil ng kanilang sariling buhay ­araw-araw, o isang kaso ng ­pagpapakamatay ­tuwing 40 segundo. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy