Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3.27M Pinoy nganga sa trabaho

0 182

Nasa 3.27 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Disyembre 2021, mas marami ng 110,000 kung ikukumpara sa Nobyembre 2021 ngunit mas kaunti kaysa sa 4.5 milyong iniulat na jobless noong Disyembre 2020, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.

Sabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, pinakamarami ang nawalan ng trabaho sa fisheries and aquaculture kung saan 393,000 na trabaho ang nawala.

Sumunod ang “other service activities” tulad ng mga repair shop at laundry kung saan 289,000 ang nawalan ng trabaho, at pangatlo ang edukasyon kung saan 217,000 naman ang walang trabaho.

Ang unemployment rate o ang dami ng mga manggagawang nais magtrabaho ngunit hindi nakahanap ay umakyat sa 6.6% nitong Disyembre mula sa 6.5% noong Nobyembre.

Paliwanag ni Mapa, nadagdagan kasi ng 910,000 ang naghanap ng trabaho kaya’t lumaki ang labor force participation rate at hindi lahat sila ay nakakuha ng trabaho.

Ayon pa kay Mapa, ang unemployment rate para sa buong taong 2021 ay nasa 7.8%, mas mababa kaysa sa 10.4% noong 2020 ngunit malayo pa rin sa 5.1% na iniulat noong 2019. (Eileen Mencias/Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.