Una sa Balita

2nd win piniga ni Super GM So

By
0 1,014

TINULAK ni Super Grandmaster Wesley So ang pangalawang sunod na panalo upang makisalo sa tuktok matapos ang round two ng 2018 US Championship kahapon sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA.

Hawak ang pu­ting piyesa, kinalos ni 24-year-old at tubong Imus, Cavite So si GM Alexander Onischuk (Elo 2672) matapos ang 45 moves ng Ruy Lopez Opening.

Kasalo ni So si GM Varuzhan Akobian, kapwa may malinis na dalawang panalo sa 12-player single round robin.

Unang giniba ni So si GM Yaroslav Zherebukh sa 53 moves ng Sicilian sa Round 1. Sunod na makakalaban ni So si GM Awonder Liang sa Round 3.

Dala ni So ang bandera ng Amerika matapos magpalit ng federation may apat na taon na ang nakalipas.