Una sa Balita

2nd wave ni Isko: 600K pamilya may tig-P1K

0 367

Muling magbibigay ng cash assistance na P1,000 ang Manila City government bilang tulong sa mga pamilya ngayong nananatili parin ang coronavirus pandemic.

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang Twitter ang ikalawang cash aid mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund para sa 607,000 pamilya sa Maynila.

Sinabi ni Isko na aprubado na noong Sabado, Mayo 16 ang ordinansa para sa 2nd wave ng P1,000 ayuda sa mga residente.

“Mga kapwa kong Manilenyo—magkakaroon po sa Maynila ng 2nd tranche ng CACAF. P1,000 cash assistance each for 607,000 families. In our own little way, maibsan po sana namin ang mga pangangailangan niyo,” saad ni Mayor Domagoso.

Ayon pa sa kanya, magiging house-to-house pa rin ang distribution ng ayuda upang maiwasan ang pagpila ng mga tao at mapapasakamay ito ng mga taga-Maynila ngayong linggo. (JAT/Juliet de Loza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More