Una sa Balita

2nd Rookie of the Month kay Perez

0 209

BAGO napagsarhan sa playoffs ng PBA Philippine Cup ang Columbian Dyip, nagawa pang ipagdiinan ni newbie CJ Perez na handa na siya sa big league.

Nag-average si Pe­rez ng 17.3 points, 7.3 rebounds at 2.5 assists para itanghal na PBA Press Corps March Rookie of the Month.

Sa likod ni Perez ay kumikikig pa sa quarterfinals berth ang Dyip bago yumuko sa TNT KaTropa 101-98 sa final game ng eliminations. Sa buong March, 1-3 ang Columbian.

Pangalawang monthly citation sa top rookie mula Lyceum na buena-mano rin sa pagkilala noong Enero.

Naungusan ni Perez si Robert Bolick ng NorthPort sa manipis na 8-6 botohan. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy