Una sa Balita

2nd Regional Festival of Culture and Arts arangkada sa Zambales

By
0 64

Nagsimula na sa tagisan sa pagpapamalas ng talino at husay sa kultura at sining ang mahigit sa 2,000 mag-aaral mula sa 13 state college at university sa Central Luzon sa pagbubukas ng 2nd Regional Festival of Culture and Arts na ginanap sa sports complex ng President Ramon Magsaysay State Univer­sity (PRMSU) dito.

Ang mga delegado sa Culture and Arts Festival ng Association of State Universities and Colleges (CAASUC) sa Region III ay kapwa naghahangad na tanghaling grand champion upang katawanin ang Central Luzon sa National Festival of Culture and Arts sa susunod na taon. 

Ayon kay Dr. Cornelio C. Garcia, PRMSU President at chairman ng PASUC III at CAASUC III, ang tatlong araw na kompetisyan ay magtatanghal sa mayamang kultura at makukulay na sining sa bawat lalawigan ng rehiyon na ipapamalas ng mga mag-aaral.

“Punong-puno ito ng pag-awit, ­sayaw, pagtula, drama, pagpinta at iba pang uri ng sining, kaya nga tiyak na magiging insipirasyon ito para sa mga kabataan,” wika ni Garcia.

Samantala, sa sinulat na talumpati, sinabi ni Zambales Governor Amor Deloso na ang pagkilala at pagpapayaman sa ating kultura at sining ay mahalagang sangkap sa pag-usad ng ating ekonomiya, tulad ng ginawa ng ibang bansa.

Sinang-ayunan naman ni dating Zambales Gov. Vicente Magsaysay ang ti­nuran ni Deloso sa pagsasabing sa maraming panahon, sa pagpapapalago ng ekonomiya ang kultura ay napakaha­lagang sangkap.