Una sa Balita

2nd most wanted ng Taguig timbog sa mga pulis

0 273

NADAKIP na kahapon ng mga pulis ang ‘2nd most wanted’ ng Taguig na nahaharap sa kasong murder.

Si Jay-r Iquiran Jocson, 24-anyos, ay inaresto ng mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang tipster hinggil sa pinagtataguan ng suspek sa San Lorenzo South Subdivision sa Sta. Rosa, Laguna.

Si Jocson ay sangkot diumano sa pagpatay kay Marvie Repala, na binaril hanggang sa mapatay noong 2017 sa Taguig City.

Sabi ng mga pulis, ang insidente ay nakita sa CCTV camera at positibong itinuro ng saksing si Eric Ramos si Jocson na isa sa mga suspek sa pagpatay sa biktima noong Abril 2017.

Nakakulong na sa Taguig City jail ang suspek at ihaharap na sa inquest proceeding.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy