Una sa Balita

2nd ‘eyeball’ ni Duterte at Robredo, exciting

By
0 111

Naging kaabang-abang ang ikalawang pagtatagpo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa isang malaking pagtitipon.

Nagtabi ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa kanina sa commencement exercises ng  Philippine National Police Academy (PNPA) Masidlak Class of 2017 sa Gen. Cicero C. Campos Grandstand sa Camp Castañada, Silang, Cavite.

Naunang dumating si Robredo, habang bandang alas-10:20 na ng umaga nang dumating si Pangulong Duterte.

Pagdating sa grandstand, kinamayan agad ng Pangulo si Robredo at nag-usap ng bahagya.

Sa orihinal na sitting arrangement, pagigitnaan sana ng dalaang opisyal si Interior Secretary Mike Sueno.

Inalok ng kalihim ang kanyang upuan kay Robredo, bagay na pina-unlakan naman ng pangalawang pangulo.

Kitang-kita na bahagyang nagbubulungan ang dalawa nang sila ay magtabi ng upuan.

Ito ang unang pagkakataon na nagtabi sina Duterte at Robredo mula nang magbitiw sa gabinete ang Bise Presidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy