Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2M subscriber na: Vivamax 52 pelikula ipalalabas ngayong 2022

0 92

Hindi na talaga maawat ang pag-angat ng Vivamax, na number 1 Pinoy streaming platform ngayon.

Ang bongga nga nila na dalawang pelikula kada linggo ang pinalalabas nila, ha!

Simula nga noong ilunsad ito ng January 29, 2021, nakapagprodyus na ito ng 35 original films and series. Ang pelikula ni Darryl Yap na ‘Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar’ ang naging pambungad na handog nito, na sinundan pa ng mga pelikulang Death of a Girlfriend, Revirginized, The Housemaid, Mahjong Nights, Taya, More Than Blue, pati na ang Pornstar 2.

At siyempre, nandiyan din ang two original series, ‘Parang Kayo Pero Hindi’, ‘Kung Puwede Lang’.

Mapapanood din sa Vivamax ang mga classic films na mula sa Star Cinema, Regal Entertainment, 1017P, Reality, IdeaFirst, Brillante Mendoza’s Center Stage Productions.

At siyempre pa, nandiyan ang mga pasabog na proyekto nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Bela Padilla, Nadine Lustre, Andrew E., Yassi Pressman, Kim Molina, Jerald Napoles, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Carlo Aquino, Toni and Alex Gonzaga, at iba pa, pati na ng mga finest directors na sina Brillante Mendoza, Lawrence Fajardo, Roman Perez, Darryl Yap, Joel Lamangan, Yam Laranas, at marami pang iba.

At  ngayong 2022, plano ng Viva na mag-produce ng 52 pelikula/series for a regular weekly release of Vivamax Originals.

As of December 2021, 15 na finished films na ang nakatakdang ipalabas, at over 40 projects greenlit in various stages of production.

Sa pagbubukas ng mga sinehan, walong pelikula naman ang nakatakda nilang i-release, once na matapos na ang pandemyang ito.

Viva stays true to its commitment of a P1 billion production budget per year despite the pandemic and will continue to support the industry workers in order to serve the Filipino audience.

Sa ngayon ay mahigit 2 million na ang mga subscriber ng Vivamax, na aliw na aliw rin sa mga pinalalabas nilang Korean blockbusters, and popular Hollywood hits.

Ang Vivamax nga ang #1 top-grossing Philippine entertainment app on Google and GCash. Vivamax has even made it easier to purchase subscriptions with budget-friendly plans: P49 (1 week), P149 (1 month), P399 (3 months) P749 (6 months) P1390 (1 year). These can be purchased in-app via GCash and credit card. Subscribers may also purchase Vivamax vouchers from 7-11, Ministop, Shopee, Lazada, SM Retail, GCash, PayMaya and soon in your neighborhood sari-sari stores.

Vivamax has also set its sights on the world. Outside the Philippines, the platform is currently available in Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, United States, Canada, Middle East, and European territories. (Available titles vary per country) (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.