Una sa Balita

2M SSS pensioner pinaasa sa ₱1K umento

By
0 603

UMANI ng batikos mula sa mga pensioner ang anunsyo ng Social Security System (SSS) kaugnay sa pagpapa­liban sa P1,000 buwanang dagdag-pensyon.

Nauna nang inanunsyo ng SSS na hindi na muna matatanggap ng mga pensioner nito ang dagdag-pensyon na dapat sanang makuha sa Enero 19, 2019.

Sa datos ng SSS ay nasa mahigit 2M ang mga pensyonado nito.

Magugunitang sa panahon ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ay inapru­bahan ang P2,000 dagdag-pensyon pero hinati ito sa dalawa kung saan ­ibinigay ang P1K noong 2018.

Kabilang sa mga SSS pensioner na nabanas ay sina Pedro Barcala ng San Gregorio Street, Valenzuela City at Bert Masangkay ng Barangay ­Karuhatan ng nasabing lungsod.

Anila, halos isang taon din nilang inantay ang Enero 19.

“Umasa lang kami tapos wala din naman. Sana tuparin nila (SSS) ang kanilang pangako,” sabi ng dalawang pensioner.

Nabatid na sa 2020 pa makukuha ang P1K dagdag-pensyon, ayon kay SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Division Louie Sebastian, ­dahil sa pinagdadaanang krisis ng ahensiya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy