Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2K pasahero sa Bicol, Samar tengga kay `Bising’

0 62

Kulang sa dalawang libong pasahero na patungo ng Visayas at Mindanao ang stranded sa mga pantalan ng Bicol region gayundin sa Leyte at Samar dahil sa bagyong Bising, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol.

Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng OCD Bicol, umaga pa lang ng Linggo ay nasa 995 na pasahero ang stranded, gayundin ang 192 trak, 116 kotse, 11 bus, 7 sea vessels at 20 maliliit na bangkang de motor sa mga pantalan ng Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate at Catanduanes.

Nitong Biyernes pa kasi kinansela ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe sa lahat ng pantalan patungo ng Visayas at Mindanao dahil sa posibleng pagtaas ng alon sa karagatan dala ng bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa 5am forecast nitong Linggo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), si Bising ay may dalang hangin na 215 kmh at bugsong aabot sa 265 kmh Eastern Visayas region.

Samantala nagsagawa naman ng forced evacuation sa mga coastal areas ng lalawigan ng Northern Samar dahil kay Bising.

Ayon kay Police Lt. Col. Bella Rentayana, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 8, mayroon ng 119 pamilya o 524 katao ang kanilang inilikas dahil sa nararanasang lakas ng hangin at ulan sa Eastern Visayas alas-3:00 ng madaling araw. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.