Una sa Balita

$2K multa, 180 araw na kulong kay Spence

0 296

NAKALABAS na ng ospital si boxer Errol Spence Jr. pero nahaharap pa rin sa kasong driving while intoxicated nang masugatan matapos sumemplang ang sasakyan sa Dallas.

Dinala sa ospital ang 29-anyos na American world welterweight champion matapos bumalentong ang kanyang Ferrari madaling araw ng October 10.

Kinasuhan siya ng class B misdemeanor bunga ng high-speed crash, may parusang multa ng hanggang $2,000 at 180 days sa kulungan, ayon sa Dallas police.

Walang suot na seatbelt si Spence at tumilapon mula sa kanyang sasakyan na sumadsad sa gitna ng kalsada.

Nitong Huwebes, sa unang pagkakataon sapul nang maaksidente ay nag-post sa social media si Spence: “No broken bones, I’m a savage.”

Naaksidente si Spence 12 araw matapos ang pinakamalaking panalo ng career, tinalo si Shawn Porter para idagdag ang WBC world welterweight title sa IBF belt na inagaw niya rink ay Kell Brook ng Britain noong 2017. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy