Una sa Balita

2K buwanang sahod sa mga nanay ipinanukala

0 14,842

PANAHON na para kilalanin ang makabuluhang ambag ng mga maybahay sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang nilalaman ng inihaing House Bill 8875 na inihain ni Albay Rep. Joel Sarte Salceda.

Nakasaad sa inihain niyang panukala na dapat ay may sahod din ang mga maybahay na nananatili lamang sa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak at asawa.

Ayon sa panukala noong Enero 2018 sa 12 milyong Pilipino, 11.2 milyon ay mga babae ang itinuturing na walang trabaho dahil hindi sila sumasahod at nag-aalaga lamang ng kanilang pamilya.

Sa nasabing datos 4.168 milyon ang may anak na wala pang 12 taon gulang, habang ang 1.790 milyon ay kumpirmadong hikahos sa buhay

Panukala ni Salceda na isang kila­lang ekonomista na panahon na para tuunan ang mga babaeng may mga anak na mababa pa sa 12-anyos at mahirap para bigyan ng buwanang P2,000 sahod hanggang makaahon siya o lampas na sa 12 taon ang anak niya.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang babalangkas at magpapatupad ng mga alituntunin sa pagkilala sa magiging benepisyaryo nito.

Ayon sa mambabatas, aabot sa P35 bilyon ang kakailanganin ng programa na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga may asawang maybahay at tatlong bilyong piso naman ang sa mga ‘single mothers’, balo, hiwalay sa asawa at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy