Una sa Balita

294 Chinese illegal worker na-deport

0 337

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na napaalis na ng bansa ang 294 Chinese illegal worker sa Puerto Princesa International Airport kahapon.

Ayon sa BI, ang mga pina-deport na Chinese national ay kabilang sa 329 na dayuhang naaresto sa walong iba’t ibang establisimyento noong Setyembre 26 dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit at visa.

Bukod sa kanila, mayroon pang pitong menor de edad na naharang sa parehong operasyon na pina-deport din ng BI.

Idinagdag ng BI na ang mga pasaporte ng 301 ay kinansela na rin ng gobyerno ng China, kung kaya’t hindi na dokumentado ang mga ito.

Ang grupo ay ang unang batch na umalis sa mga naaresto sa Palawan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More