Una sa Balita

29 todas sa pamamaril sa Iran military parade

By
0 211

UMAABOT sa 29 katao ang namatay habang nasa 70 naman ang sugatan matapos paulanan ng bala ng mga militanteng nakauniporme ng sundalo, ang military parade sa southwest city ng Ahvaz sa Iran.

Nadamay sa pamamaril ang mga kababaihan at batang nanonood sa pagmartsa ng Revolutionary Guard noong Sabado kung saan nakunan ng live ng state television ang insidente.

Kabilang sa mga sundalong namatay ay walong miyembro ng Revolutionary Guard, ang elite paramilitary unit na tanging ang supreme leader lamang ng Iran ang maaaring magparusa.

“We suddenly realized that some armed people wearing fake military outfits started attacking the comrades from behind (the stage) and then opened fire on women and children,” ayon sa sundalong hindi nagpabanggit ng pangalan.

Agad namang inako ng Arab separatists, na kalimitang umaatake sa mga hindi guwardyadong pipelines, ang pamamaril sa military parade.

Gayunman, duda ang Iran kaya’t ipinatawag ang mga diplomat mula sa Britain, Denmark at Netherlands at sinermunan sa pagkunsinte sa mga miyembro ng ‘terrorist group’ na siyang responsable sa pag-atake.