Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

29 sa 100 Pinoy adik nahawa ng HIV

0 203

Sa 100 Pilipino na nagtuturok ng ilegal na droga at boluntaryong sumailalim sa human immunodeficiency virus (HIV) test, 29 ang HIV-positive.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang datos ay batay sa pag-aaral ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS).

Sa Estados Unidos, ang injection device sharing sa mga drug user ang ikalawang pinakamaraming sanhi ng pagkahawa ng HIV, sunod sa anal sex.

Nagbabala si Defensor na magaya ang Pilipinas sa Estados Unidos kung walang aksiyon na gagawin ang gobyerno.

Giit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang liquid shabu injection ay nagiging popular sa mga adik na Pinoy dahil sa mabilis na epekto kumpara sa pagsingot ng usok nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.