Una sa Balita

28 todas sa biyaheng Taj Mahal

0 442

ISANG bus ang dumulas sa expressway patu­ngong Agra kung saan matatagpuan ang Taj Mahal hanggang sa mahulog sa isang kanal na ikinamatay ng 28 katao kahapon.

Ang mga kalsada sa India ang ikinukunsi­derang deadliest sa buong mundo dahil may record ito ng aksidente noong 2017 ng 464,910 na kumitil sa buhay ng may 148,000.

Nabatid na mahigit 40 katao ang sakay ng bus na bumiyahe galing New Delhi nang dumulas ito sa 165-km-long highway at kadalasang lugar ng mga aksidente.

Maliban sa 28 nasawi sa aksidente ay may 18 pang pasahero ang sugatan.
Patuloy pang ina­alam ang sanhi ng aksidente pero lumalabas na nahulog ang bus dahil nakatulog ang driver.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy