Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

28 sabungero tiklo sa Cavite

0 64

Dinakma ng pulisya ang 28 katao nang mahuli sa sabungan, habang nasa P16,000 halaga ng pusta ang nasamsam nang magsagawa ng anti-gambling operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite kamakalawa.

Kabilang dito ang 8 sabungero na inaresto sa Brgy. Toclong Kawit, narekober dito ang 2 tari, 2 patay sa sasabunging manok at P3,300 na pusta. Habang sa Brgy. Queensrow East, Bacoor City, 2 ang nahuli matapos magpulasan ang iba pang sabungero.

Sa Trece Martires City, pitong katao ang nakorner, bagama’t mas marami ang nagpulasan sa isinagawang tupada, nasamsam dito ang P6,200 na taya, tari ang panabong. Sa Brgy, Alapan 2, Imus City naman, limang kalalakihan ang inaresto. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.