Una sa Balita

28 ROTC cadet nalason sa kanin

0 340

NAMILIPIT sa sakit ang 28 cadet officer ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng Isabela State University (ISU) sa Roxas makaraang malason sa kinaing kanin noong Sabado.

Ayon sa report ng Isabela Police Station, ang mga apektadong estudyante sa food poison ay sampung babaeng cadet officer at labing walong lalaking cadet officer.

Sinabi ni ISU administrator Dr. Quirino Parallag, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang kinain na kanin ng mga cadet officer ay mayroong kakaibang amoy na nagdulot ng kanilang pananakit ng tiyan.

Ayon sa pulisya, sunod-sunod aniyang sumakit ang tiyan ng mga estudyante na dinala sa ospital.

Nakalabas na sa pagamutan ang dala­wampu’t apat sa mga biktima at apat na lamang ang ginagamot sa pagamutan.

Napag-alaman na mayroon namang insu­rance ang mga biktima ng food poisoning na gagamitin sa kanilang pagpapaospital. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy