Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

28 bayan sa Isabela pinerwisyo ng ASF

0 136

Nasa 28 na bayan na at siyudad sa Isabela ang naitala na apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Isabela Provincial Veterinary Office (IPVO).

Sa pahayag ni IPVO officer Dr. Angelo Naui, ang mga bayan at siyudad ay kinabibilangan ng Cauayan City, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Benito Soliven, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, San Mariano, Alicia, Angadanan, Cabatuan, Ramon, San Mateo, Cordon, Jones, San Agustin, Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Manuel, Echague, San Guillermo at San Isidro.

Ayon kay Naui, umabot na sa 26,051 na baboy bula 312 na barangay ng 28 na munisilidad ang isinama sa culling o puwersahang pagpatay dito.

Ang mga munisipalidad na umabot sa libo ang mga baboy na isinailalim sa culling ay ang Gamu at Alicia na tig-1,400; Reina Mercedes na may 1,878; Ramon, 1,332; San Mateo, 2,396; Jones, 1,050; Burgos, 1,097; Luna, 1,881; Quezon, 1,345 at Cauayan City ay may 3,368.

Ang mga lugar na may naapektuhang commercial farm ay ang bayan ng Alicia, Cauayan City, Gamu, Naguillan, Reina Mercedes, Ramon, San Mateo, Jones, Aurora, Burgos, Luna, Quezon at Roxas.

Sinabi ng opisyal na second wave lamang ang mga naitalang isinailalim sa culling na mga baboy.

Humihingi ng pang-unawa si Naui sa mga naapektuhan ng isinasagawang pagpatay sa mga baboy dahil ginagawa lamang nila ito para na pigilan ang pagkalat ng ASF sa mga baboy. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.