Una sa Balita

277 Chinese POGO worker pina-deport ng BI

0 212

UMABOT sa 277 Chinese national ang ipina-deport ng Bureau of Immigration­ (BI) sa Ninoy Aquino ­International Airport (NAIA) terminal 1 kahapon ng umaga.

Lulan ng tatlong ­chartered flight ng Xiamen Airlines ang mga Chinese deportee na pawang mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming corporations (POGO) sa Ortigas, Pasig City.

Nabatid na mahigpit na seguridad ang ipinatupad sa mga dayuhan pagbaba pa lamang sa bus na huma­tid sa kanila mismo sa tarmac ng NAIA terminal 1, kung saan naghihintay ang talong eroplano na sasakyan ng mga ito pabalik sa China.

Ang isang deportee ay may dalawang Chinese Police escort nang bumaba ito sa bus at isa-isang kinapkapan bago ito makapasok sa eroplanong magdadala sa kanila pabalik sa kanilang bansa.

Nabatid na nakapasok ang mga deportee sa bansa gamit ang tourist visa at walang kaukulang working permit mula sa BI dahilan para arestuhin ang mga ito dahil sa overstaying sa bansa.

Ang tatlong chartered flight na may lulang mga Chinsese deportee ay nakaalis dakong ala-una ng hapon. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy