Una sa Balita

274 kaso ng malversation vs PNoy, iba pa kinasa

By
0 672

SINAMPAHAN ng kasong malversation of public funds ng Presidential ­Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at ilang kaalyado nito dahil sa paggamit umano ng pondo ng bayan upang maimpluwensyahan ang impeachment trial kay dating Chief Justice ­Renato Corona.

Pinangungunahan ni PACC Commissioner Atty. Greco Belgica ang pagsasampa ng 274 counts ng malversation laban sa dating Pangulo kasama sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at dating Rep. Emilio Abaya.

Kasama pa rin sa kinasuhan sina Senators Franklin Drilon at Antonio Trillanes IV.

Ayon sa reklamo, ginamit umano ng mga nabanggit na opisyal ang pondo ng bayan partikular ang Disbursement Acceleration Program (DAP) upang maimpluwensyahan ang impeachment ­trial laban kay Corona.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy