Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

27 tulak na Kabitenyo kalaboso

0 258

ISANG 15-anyos na binatilyo at apat na kababaihan ang kabilang sa 27 na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite police sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng alas-12:30 Lunes ng hapon hanggang alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation sa limang Lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang ng tulak na inaresto ang Lungsod ng Dasmarinas na anim; sumunod ang Naic na lima habang tig-tatlo ang Gen Trias City, Cavite City at Bacoor City.

Tig-dalawa naman sa Imus City, Silang at General Mariano Alvarez (GMNA) at isa sa Alfonso o kabuuan na 27.

Sa nasabing buy bust operation, isang 15-anyos mula sa Alfonso ang kasama habang apat na kababaihan ay mula sa Gen Trias City (1) Naic (1) at Dasmarinas City (4). (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.