Una sa Balita

27 NARCO MAYORS, IBA PA!

By
President Rodrigo Duterte (Jonas Sulit)
0 3

Buena-mano lang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa ‘payuyukuin’ ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mayroon pang 27 narco mayors at mga local executives ang nakatakda nitong pangalanan kaugnay ng tuluy-tuloy na giyera kontra illegal drugs.

Ito ang inihayag kahapon ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo kung saan inila­rawan pa nito na ‘shocking’ o nakakagulantang ang maririnig na mga pangalan na ang karamihan ay mula sa mga LGUs (local govern­ment units) sa mga pro­binsya.

“Ilalabas niya (PDU30) raw. Sabi niya either tonight (kagabi) or tomorrow (ngayong araw).

Sabi ni Presidente, kilala ko ito pero I have a duty to serve and protect the people. My God, you will be shocked,” pahayag ni Panelo kung saan inamin nito na ilan sa mga personalidad na papa­ngalanan ay mga prominente pa.

“Galing sa intelligence community ang impor­mas­yon na sangkot sa ilegal na droga ang 27 LGUs,” dagdag ng palace official.

Matatandaan na una nang binigyan ng 24-oras na ultimatum ni Pangulong Duterte ang mag-amang Espinosa – Mayor Rolando at anak na si Kerwin – matapos masangkot sa drug trafficking at coddling.

Ang matandang Espinosa ay sumuko na habang nananatiling at-large ang anak nito.

Sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte, matatandaang sinabi na niya noon, dalawang araw matapos panga­lanan ang limang narco-generals (dala­wang retirado at tatlong nasa active service), na “Maraming mayors dito. We have a mayor sa Mindanao, puro ma­yor, may babae pa.”