Una sa Balita

27-anyos ginilitan ng ka-live in

0 502

TODAS ang isang 27-anyos na babae matapos ­siyang pagsasaksakin at gilitan sa leeg ng ­kanyang live-in partner dahil sa selos sa Barangay San ­Pedro ­Partada, Alcala, Pangasinan, ayon sa ­Alcala ­Municipal Police Station (AMPS) noong Lunes.

Kinilala ni AMPS deputy ­commander P/Lt. ­Peoderic ­Tagulao, ang biktima na si Trisha Tandoc, ng ­nasabing barangay.

Samantala, ang suspek na si Rodel Mabalot, live-in partner ng biktima, ay isinugod sa ospital nang gi­litan din niya ang kanyang leeg ­pagkatapos ang krimen.

Sa inisyal na ­report, ayon kay Tagulao, nakita umano ni Mabalot na may kausap na lalaki si ­Tandoc kaya niya sinita ito.

Sinabi ng opisyal, humantong sa mainitang ­pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng 15 na saksak sa katawan ang biktima.

Hindi pa nakuntinto, ginititan pa ng suspek ang biktima sa leeg sanhi ng kayang kamatayan.

Nakatakdang ­ilipat ang suspek sa AMPS oras na makalabas ito ng pagamutan at mahaharap siya sa kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More