Una sa Balita

269K botante nagparehistro sa Comelec

0 259

Umabot na sa 269,087 aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) nang muling si­mulan ang voter registration sa bansa noong Agosto 1.

Sinabi ng Comelec na marami sa mga nagparehistro ay mga first time registrant, na umaabot ng kabuuang bilang na 159,126.

Habang 36,649 aplikasyon sa naturang bilang ay mula sa mga bagong botanteng nagkakaedad ng mula 15 hanggang 17-taong gulang, at 122,477 naman ang mula sa nasa edad 18-anyos pataas.

Ayon sa Comelec, pinakamaraming nagpatala sa Region IV-A mula sa mgaa regular re­gistrant na umabot sa 43,777 aplikasyon na naproseso mula Agosto 5 hanggang 10, 2019, habang ang Region 1 naman ay nakapag-proseso ng 5,880 aplikasyon mula sa mga Sangguniang Kabataan (SK) registrant sa kaparehong petsa.

Nasa 124,885 ang nagparehistrong la­laking botante habang 144,202 naman ang mga babae.

Binigyan-diin ng Comelec na lahat ng uri ng aplikasyon ay tinatanggap nila sa isinasagawang voter re­gistration, kasama na rito ang application for registration, transfer, change o corrections of entries, reactivation, inclusion at reinstatement ng pangalan sa listahan ng mga botante.

Base sa Comelec Resolution No. 10549, nagsasagawa rin ang poll body ng satellite registration sa buong bansa.

Malalaman ang schedule at venue para sa satellite registration sa kanilang mga satellite offices sa Regions I, II, III, IVA, V, VI, IX, at XII sa pamamagitan nang pagbisita sa kanilang official Facebook page.

Hanggang sa Set­yembre 30 ipatutupad ang voter registration. Simula alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon mula Lunes hanggang Sabado, kahit pa sa araw ng holiday ay maaaring tumanggap ng aplikasyon ang Comelec. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy