Una sa Balita

26 pma cadet, doc dawit sa hazing

0 437

ANIM na persons of interest at nasa 20 iba pa ang subject for investigation kaugnay sa pagkamatay ng isang Philippine Military Academy (PMA) cadet.

Ito ang kinumpirma ng Baguio City Police Office (BCPO) matapos ilabas ang autopsy results ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, na nasawi noong Miyerkoles, Setyembre 18, dahil umano sa trauma na naganap sa hazing.

Ayon kay BCPO director, Col. Allen Rae Co, mahaharap sa kasong administratibo ang tatlong hindi muna pinangalanang persons of interests kabilang ang isang third class cadet, second class cadet at nasa fourth class cadet dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law.

Tatlo pang nonfaculty employees ang ikinukonsiderang persons of interest sa patuloy na isinagawang military at police joint investigation.

Kasalukuyang nasa stockade confinement ang third class at second class cadets habang nasa hol­ding area pa ang fourth class cadet.

Samantala, subject to investigation pa ang 20 kadete upang malaman kung may kinalaman sila naganap na insidente. Karamihan sa mga ito ay kasamang naninirahan ni Dormitorio sa building.

Kabilang din ang doktor na isasailalim sa im­bestigayon, matapos na suriin si Dormitorio at sinabing may urinary tract infection (UTI) ang biktima matapos na ma-confine bago ito mamatay.

Matatandaang nasawi si Dormitorio noong alas-5:15, Miyerkoles nang madaling-araw, na may ilang oras bago ito itakbo sa PMA station hospital dahil sa pananakit ng tiyan at patuloy na pagsusuka.

Ayon sa Baguio City Police, ini-report ng PMA ang insidenteng pagkamatay ni Dormitorio bandang hapon na ng Miyerkoles na kung saan sinabi ng doktor ng PMA na namatay ang biktima sa cardiac arrest dahil na rin sa trauma subalit iba umano ang lumabas na postmortem autopsy na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.

“Dormitorio’s cause of death was trauma caused by blunt force that led to the untimely demise of the cadet,” ayon kay Co.

Nakaranas umano ng maltreatment ang biktima base sa medico-legal result na inilabas ng PNP, Huwebes nang gabi, na kung saan ay nakitaan ng signs of trauma sa palibot ng tiyan at baywang ng biktima.

Samantala, tiniyak ni PMA Superintendent, Lt. Gen. Ronie Evangelista na makakasuhan ng admi­nistrative charge sa paglabag sa Anti-Hazing Law ang mga may sala at posibleng magkaroon ng pe­nalty of dismissal sa military service.

Nabatid sa source na dinala umano si Dormitorio sa PMA Hospital noong nakaraang dalawang linggo matapos ang pananakit ng tiyan.

Muli itong dinala sa ospital noong Martes ng alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon at na-discharge matapos na ma-diagnosed na may UTI.

Nanatili umano ito sa kanyang quarters hanggang sa magsuka uli ng bandang alas-otso nang gabi at ala-una nang madaling-araw ng Miyerkoles, Setyembre 18.
Subalit indi umano ito ibinalik sa ospital hanggang umabot ang alas-4:40 nang madaling-araw ng Setyembre 18. Ilang oras lang ay nasawi na ang biktima.

Ayon kay Evangelista, kung nadala uli sa ospital si Dormotirio ay marahil hindi ito namatay.

“Had he been given treatment earlier his life could have been saved,” sabi ni Evangelista. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy