Una sa Balita

26 nalambat sa police ops sa Cavite

By
0 74

Dalawampu’t anim na katao ang dinampot ng magkakasanib na puwersa ng Cavite Provincial Intelligence Branch, Cavite Criminal Investigation and Detection Group, Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at Gen. Trias Component Police Station, sa Tropical Village, Pabahay 2000, Barangay San Francisco, Gen Trias City Cavite, sa 6-oras na drug operation mula alas-3:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng umaga kamakalawa.

Dalawampu’t tatlo sa mga naaresto ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga, habang ang 3 ay sa pag-iingat ng mga baril at bala na walang kaukulang dokumento.

Sa kabuuan, nasamsam sa operasyon ang ilang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, iba’t ibang uri ng baril, bala, improvised homemade shotgun at Granada.

Ilan sa mga target na bahay ay nagsisilbi pang drug den at prutas lang daw ang pinakabayad ng mga nagnanais pumuwesto at bumatak ng ilegal na droga, ayon sa panayam ng Abante kay Asmam Asli, isa sa mga nahuling suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy