Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

26 customer sa QC restobar dinampot

0 357

Huli ang 26 na customer ng isang restobar sa Quezon City dahil sa umano’y paglabag sa curfew nitong Sabado ng gabi.

Sinalakay ng mga awtoridad ang restobar makaraang makatanggap ng impormasyon at sumailalim sa surveillance, dahil lagpas na umano ito sa curfew hour. Dito inabutan ang mga customer na kumakain at nag-iinuman.

Depensa naman ng pamunuan ng bar, patapos na umano ang mga customer at hinihinaty na lang ng cashier ang bayad ng mga ito. Gayuman, hindi tinanggap ng Quezon City Task Force ang paliwanag ng management, at sa halip aniya’y dapat maaga nagbayad ang mga customer.

Sinagot naman ng resto bar ang P300 multa ng bawat customer na hinuli. Ipinatutupad sa lungsod ang curfew mula alas-10:00 ng gabi hannganga alas-5:00 ng umaga.

Pinag-aaralan na rin umano ng lokal na pamahalaan ang pagsasara sa restobar makaraang madiskubre na hindi lahat ng kanilang empleyado ay mayroon nang health certificate.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.