Una sa Balita

26 bansa mag-aagawan sa last 14 spots ng World Cup

0 573

KASADO ang FIBA Basketball World Cup 2019 Draw, presented by Wanda, sa March 16 sa Shenzhen, isa sa walong host cities ng kompetisyon.

Tatapusin ng draw ang week-long celebration ng basketball at World Cup.

Pagkatapos ng bunutan, malalaman na ng 32 participating teams ang sikip na tatahakin sa hu­ling yugto ng Road to China 2019.

Bago ang draw, pakakawalan ang sixth at final window ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers mula Feb. 18-26 para mapinalisa ang 32-team field.

Kabilang ang Team Pilipinas sa 26 teams na makikipagbubuno pa para sa final 14 places na nakataya.

Bilang host ay sigurado na ang China sa World Cup, nag-qualify rin ang Mongolia, Nigeria at Tunisia.

Kakatawan sa Americas ang Argentina, Canada, USA, Venezuela, mula sa Europe ang Czech Republic, France, Germany, Greece. Lithuania, Spain at Turkey.

Tatlo pa lang ang nakakapasok mula Asia – Australia, Korea at New Zealand.

Walang naipanalo ang Pilipinas sa dalawang laro sa fifth window, nalaglag sa 5-5 sa Group F ng Asia sa likod ng Australia (9-1), Iran (7-3) at solo-third Japan (6-4).

Top 3 ng Groups F at E, kasama ang best-placed No. 4 team ng dalawang grupo, ang uusad sa World Cup. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy