25K Pinoy pinalilikas sa California

By

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkoles ang ilang libong Filipino, na tatamaan ng panibagong wildfire sa California, na lumikas para sa kanilang kaligtasan.

Sa pagtaya ng DFA, may 25,800 Filipino ang naninirahan sa Ventura at Los Angeles counties na siyang tutumbukin ng tatlong naglalagablab na wildfire sa California.

Idineklara na ni California Governor Jerry Brown ang state of emergency sa Ventura County dahil sa wildfire na tumupok sa higit 18,000 ektarya ng lupain.

“We join our kababa­yans in the Philippines and in the United States in praying for the members of the Filipino community and their neighbors in Ventura and Los Angeles counties that they will be spared from the raging infernos that are threatening their lives and their homes,” ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Pinayuhan ni Caye­tano ang mga Pinoy sa apektadong lugar na lumikas kung kinakaila­ngan at makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa pamamagitan ng mga phone number na +1.213.268.9990 at +1.213.587.0758.

Nakatanggap naman ng ulat ang DFA na marami nang Filipino ang nagsilikas sa Ventura County, kung saan higit sa 150 gusali at kabahayan na ang tinupok ng wildfire. 

SHARE