Una sa Balita

251K pamilya nasalanta ng bagyo at habagat

By
0 633

Nasa 250,536 pamilya o aabot sa 1,132,666 katao mula sa 1,011 barangay mula sa Region 1, 3, 4A, 4B, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Ca­pital Region (NCR) ang naapektuhan sa pagbayo ng habagat dahil sa sunod-sunod na bagyong Henry, Inday at Josie base sa ulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Samantala uma­bot naman ang kabuuang pinsala sa P817,301,517.68 na nasalanta ng bagyo, P455,800,000 sa nasirang mga infastracture habang P361,501,517.68 naman sa nasira sa agrikultura.

Ayon naman kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad, aabot sa 74 na kalsada at anim na tulay ang apektado at nasira mula sa Region 1, 3, 4A, 6, at CAR.

Aabot sa 423 ba­yan ang nakaranas ng pagbaha mula sa Region 1,3, 4A, 4B, CAR at NCR, sa ngayon 127 sa bayang ito mga ito ay humupa na ang baha.
Nasa 209 naman mga kabahayan ang nasira ng mga landslide, mga nabagsakan ng puno at pagbaha.

Samantala nagpadala na ng aabot sa P24,872,076.48 relief assistance ang ­Department of Social Welfare and ­Development (DSWD), Department of Health (DOH) at iba’t ibang local government unit (LGU) sa mga apektadong pamilya na nasalanta ng bagyo sa Regions 1, 3, 4A, 4B, 6, NCR at CAR.

Bunga ng tatlong sunod na hagupit ng mga bagyong Henry, Inday at Josie, isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa trapiko ang 27 daan dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.