Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

250K turok target habang ECQ

0 34

Sasamantalahin ng mga Metro Manila mayor ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region upang makapagpabakuna ng 250,000 katao kada araw.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nagpulong sila ng mga local executive tungkol sa paghahanda sa susunod na mga araw at napagpasyahan na magbakuna ng 250,000 indibiduwal kada araw, pati na rin ang tungkol sa ayuda at border control.

“Nag-meeting lamang kami para paghandaan talaga ang mangyayari in the next several days dahil mabigat ito, magbabakuna kami ng 250,000 a day,” sabi ni Abalos. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.