Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

250K quarantine pass suspindido sa Cebu

0 833

Inutos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na suspindehin ang nasa 250,000 enhanced community quarantine (ECQ) pass na inisyu ng pamahalaang lokal ng Cebu City sa kanilang mga residente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinuspinde ang mga quarantine pass epektibo alas-10:00 ng gabi noong Martes at walang sinabi kung hanggang kailan ito ipatutupad.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, hepe ng Police Regional Office 7 (Central Visayas), ang suspensyon ng mga quarantine pass at sinabing bahagi ito ng istratehiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng regional counterpart nito para epektibong mapigilan ang pagtaas pa ng mga kaso ng COVID-19 infection sa Cebu City. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.