Una sa Balita

250K bata makikinabang Cannabis aprub sa may epilepsy

0 281

INAPRUBAHAN na ng Dangerous Drugs Board (DDB) na ‘in principle’ ang panukala upang payagan ang paggamit ng cannabidiol (CBD) na sangkap ng cannabis o marijuana sa pagpapakalma ng malulubhang porma ng sakit na epilepsy.

Ang DDB ang policy-­making at strategy-formulating body ng gobyerno sa pag-iwas at pagkontrol sa drug abuse. Ang CBD naman ang isa sa dalawang­ pinaka-aktibong sangkap ng cannabis, bukod sa tetrahydrocannabinol (THC) na nagbubunga ng ‘high’ effect nito.

Sinabi ni Undersecretary Benjie Reyes, isang DDB permanent member sa isang pana­yam sa online news na nagsagawa ang DDB ng public hearing kasama ang Philippine Cannabis Compassion Society­ (PCCS) tungkol sa reclassification ng mga gamot na may CBD at paggawa ng patnubay para sa DDB board resolution.

Sakaling maisabatas ang House Bill No. 279, mali-legalize at mare-regulate nito ang medical use ng cannabis na napatunayang may kapaki-pakinabang na epekto sa paggamot o pagpapakalma sa mga chronic na sakit.

Ayon kay PCCS spokesperson Dr. Donnabel Cunanan, merong 250,000 bata sa bansa na dumaranas ng epileptic seizure disorder noon pang 2014.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More