Una sa Balita

25 plane crew, pasahero nahilo sa ere

By
0 6

Nagsagawa ng emergency landing ang isang eroplano matapos na makaramdam ng pagkahilo ang mga pasahero at flight crew nito habang nasa ere sa Vancouver, Canada.

Ayon sa ulat, napilitang mag-divert sa Vancouver, Canada ang British Airways flight mula San Francisco papuntang London nang makaramdam ng hindi maganda ang isa nilang cabin crew at ilang mga pasahero.

Lumipad ang Airbus A380 mula sa San Francisco kung saan ilang sandali pa ay nabulabog ang ilang pasahero at crew nito dahil sa marami ang nakaramdam ng pagkahilo kung kaya’t napilitang mag-emergency landing sa Vancouver.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lahat ng 25 crew ng eroplano kabilang ang tatlong piloto at dalawang pasahero ang agad na isinugod sa ospital ilang oras matapos lumapag ang flight BA286.