Una sa Balita

25 percent ng babae sa Japan, tulog sa date

By
(AFP)
0 13

Walang gana sa blind date ang 60 porsiyento ng kababaihan sa Japan kung saan marami sa kanila ang tinutulugan pa ang kanilang ka-date.

Sa isinagawang survey ng Yomeishu, anim sa bawat sampung kababaihan sa Japan ang hindi interesado sa ‘renai’ o pakikipagrelasyon sa kalalakihan.

Ito’y resulta na rin ng sobrang trabaho nila sa maghapon kaya’t pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga taong hindi pa nila masyadong kilala, karamihan sa kanila ay walang gana.

Lumabas pa sa survey na isa sa bawat apat na kababaihan ang umamin na sa sobrang pagod sa trabaho, nakakatulog sila habang kasama ang ka-date.

Isa sa sinasabing dahilan ay ayaw ng mga kababaihan na sayangin ang kanilang oras sa date na walang patutunguhan. Mas gugustuhin nilang makasal agad at magkaroon ng anak kaya’t patok ngayon sa Japan ang ‘konkatsu’ o matchmaking.

Kabaligtaran naman sa kalalakihan. Halos 80 porsiyento ang gusto lang makaiskor sa babae at ayaw nila sa kasal.