Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

25 pasahero nasagip sa salpukan ng 2 bangka

0 57

Nailigtas ang 25 pasahero ng lumubog na bangkang de motor nang masalpok at makaladkad ng isa pang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Capoocan, Leyte, Martes ng gabi.

Kabilang sa mga pasahero ang 10 menor de edad, kasama ang isang 4-anyos. Nasagip sila ng mga rumespondeng awtoridad at iba pang mangingisda na nataong malapit sa lugar nang pinangyarihan ng insidente.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi, nang makatanggap ng tawag ang Capoocan Municipal Police mula sa Cabucgayan, Biliran hinggil sa lumubog na bangka.

SM food to go Banner Ad

Base sa inisyal na ulat, galing ang mga biktima sa isang birthday party at pauwi na sana sa bayan ng Cabucgayan ang tatlong bangkang de motor at binabagtas ang karagatan sakop ng bayan ng Capoocan nang maganap ang insidente.

Wala namang sugatan o nasawi sa insidente habang ang mga nasagip na pasahero ay dinala sa Rural Health Unit ng Cabucgayan, Biliran upang ma-checkup at pinauwi na rin sa kani-kanilang bahay. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.