Una sa Balita

25 NSA maglalatag ng Olympic program

0 251

ILALATAG ng nasa 25 National Sports Association (NSA), na naghahangad makapagpadala ng kanilang atleta sa 2020 Tokyo Olympics, ang kanilang mga programa kay chef-de-mission at Philippine Football Federation President Mariano Araneta bukas sa gagawing Tokyo Olympics qualifying conference sa PSC conference room sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ibinahagi ni PSC Sports Institute training director Mark Velasco sa pagbisita nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila kahapon, na dadalo rin sa conference sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at apat nitong commissioners, Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham Tolentino at chairman Steve Hontiveros.

“They (NSAs) will present their Olympic programs. It will be a very crucial meeting,” pahayag ni Velasco sa forum na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More